PAGOD KA NA BANG MAGING PILIPINO?

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Siguro, para sa mga Kapwa Pilipino na nakatikim na ng ginhawa sa ibang bansa partikular sa Amerika at Europa, maliban sa mga OFW na nagpupursige para maiahon hindi lamang ang kanilang pamilya kundi ang ating bansa sa kahirapan, pagod na silang maging Pilipino. Kapag tinatanong sila ng mga banyaga kung anong lahi nila, sasabihin nilang ASIAN sa halip na Pilipino. Meron din namang iba na para lang attachment ang pagiging Pinoy. Yun bang magiging Pinoy lamang sila kapag may dapat ipagmalaki ang ating bansa halimbawa ay ang Pagkapanalo ni MANNY PACQUIAO sa boxing. Proud na proud na iwawagayway ang ating bandila. Pero kung usapang Abu Sayyaf, mala-Poncio Pilato ang drama ng ilan sa ating mga kababayan. Gaya ng pagkatwa ni San Pedro sa ating Panginoong Hesus, Buong tangging ipagsisigawan ng isang nahihiyang Pinoy ang mga katagang “Nuh, Eym nat a Filipino, Eym Americun”

Pasintabi po pero hindi ako Napapagod maging Pilipino ! Inaamin ko na marami ang Nasaktan sa mga nangyayaring Curruption at lalo na ang Tanim Bala sa NAIA at nagalit ang ibat ibang lahi sa buong Pilipinas. Hindi ko sila masisi dahil natural lamang ang ganoong reaksiyon sa mga taong wala ng tiwala sa ating bansa. Pero hindi ang mga pangugutya, panlalait, pang iinsulto at pagtawag ng kung anu-anong pangalan ang magpapabagsak sa lahi ni Juan! Isang bansang nagkakaisa sa ilalim ng Maykapal. Ang pananaw, tungkulin, at adhikain ko bilang isang Pinoy ay hindi mawawasak sa kabila ng mga Negatibong Reaksiyon.

KUNG PAPIPILIIN KA NG LAHI MO, PIPILIIN MO PA BA ANG PAGIGING PINOY ?

Isang Katanungan na agad sasagutin ng mga mas may Pagpapahalaga sa ibang lahi. Kulang na lang ay sambahin ang mga dayuhan, alayan ng bulaklak na tila diyos. Marami-rami rin ang nagsabing mas gugustuhin nila ang kulay ng mga Kano, ang kutis ng mga intsik, at ilong ng mga Aleman at Pranses. Tila diring-diri sa kulay kayumanggi bagamat maraming puting lahi ang nagpapa-tan ng balat. Sa mga ganitong pagkakataon ako nakakaramdam ng galit sa kapwa pinoy dahil sa mababaw na Pagtingin sa kanilang mismong ugat. Oo nga’t mga dayuhan ang nagbibigay ng trabaho sa karamihan dahil sa Pag-usbong ng industriya ng Call Center at dapat nating ipagpasalamat yon. Pero hindi ito dahilan para mas piliin natin ang maging tulad nila.

Muli, Pasintabi pero kung bibigyan ako ng Pagkakataong pumili ng lahi, hinding hindi ko ipagpapalit ang lahing Pinoy. Maraming dahilan para ikahiya ang pagiging Pilipino per MAS maraming dahilan para ipagmalaki at ipagbunyi ito.

Ang isang Mantas sa Puting damit ay lubhang napakaliit kung ikukumpara mo sa kabuuan nito. Ikokowt ko lang, pwede kang magbigay ng maraming rason kung bakit ayaw mo na ng lahing Pinoy, pero isang dahilan lamang ang kailangan mo para ika’y manatiling Pilipino sa isip, salita at gawa.

Isang Pambukas isip lamang Po,

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...