Pagpapaliban ng Barangay at Sk Election Pabor kay Pang. Duterte

share it with everyone
Share on Facebook231Tweet about this on Twitter

Pabor si Pangulong Rodrigo Duterte sa mungkahing ipagpaliban muna ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections sa darating na Oktubre.

Ito’y kasunod na rin ng pangamba ng ilang mga mambabatas sa pangunguna ni House Speaker Pantaleon Alvarez na may makalusot na drug money sa panahon ng kampaniya.

election

Ayon sa Pangulo, ayaw niyang dumagdag pa sa sakit ng kaniyang ulo ang mga maihahalal na opisyal na barangay na mayruong utang na loob mula sa drug lord na sumuporta sa kanila.

Maliban dito, inihayag din ng house speaker na makabubuti ring ipagpaliban ang barangay elections upang matutukan ng pangulo ang pagpuno sa mga bakanteng posisyon sa pamahalaan.

share it with everyone
Share on Facebook231Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...