Pagwawakas sa ENDO Ginagawan na ng Paraan

share it with everyone
Share on Facebook2Tweet about this on Twitter

Nilinaw ngayon ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang pangonahing prayoridad pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang wakasan na ang ‘endo’ sa ating bansa.

Ito ay gagawin kahit hindi nabanggit sa SONA kahapon ng  Pangulong Duterte ang tungkol sa contractualization at endo.

Sinabi ni Bello na hindi kailangan pang ulitin ng ating Pangulo ang kanyang mga prayoridad dahil ito ay talagang gagawin.

endo

Aniya, gumagawa na ngayon ng paraan ang Department of Labor and Employement  o DOLE para matapos na ang contractualization sa ating bansa.

Samantala, mga pinoy workers in Saudi Arabia panalo sa kaso kontra sa kanilang mga employers sa Saudi Arabia ang halos 4,000 Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ipinabatid ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nagsabi ring hindi naman nagpapabaya ang Ministry of Labor para tulungan ang mga apektadong Pinoy workers.

Magugunitang maraming Pilipino ang naapektuhan ng krisis na nararanasan ng mga oil companies sa Saudi Arabia.

Pag natuloy ang pagwawakas ng Endo or contractualization sa ating bansa ay tiyak na maraming mga ordinaryong manggagawa ang matulungan.

kp

share it with everyone
Share on Facebook2Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...