Pangasinan Representative Humarap na kay Pangulong Duterte

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Personal na nagpaliwanag ngayon si Pangasinan Representative Amado Espino kay Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng pagkakasangkot niya sa Bilibid drug matrix.

Sa kanyang statement, sinabi ni Espino na sa kanyang pakikipagpulong sa Pangulo sa Malakanyang kahapon ay hiniling niya na magkaroon ng malalimang imbestigasyon sa nasabing matrix.

representative

Tiniyak din ng Kongresista sa Presidente ang buong suporta ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan sa anti drug campaign at iba pang proyekto ng kasalukuyang gobyerno.

Kasabay nito, inisa-isa ni Espino ang mga dahilan kung bakit hindi totoong sangkot sya sa ilegal na droga.

Nagtataka ang kongresista kung paano siya nadawit sa transaksyon ng ilegal na droga kasama ni Sen. Leila de Lima.

Ani Espino, noong kalihim si de Lima ng Department of Justice ay naging parte ang Lady Solon ng plot para masira ang kanyang reputasyon at sinampahan siya ng mga kaso.

Makikita rin aniya sa kanyang mga service record na mula noong pnp officer palang sya hanggang sa maging gobernador at kongresista ay mahigpit ang kanyang kampanya sa iligal na droga.

kp

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...