Pangulong Digong Kay Obama “Who is he”?

share it with everyone
Share on Facebook47Tweet about this on Twitter

“Who is he”? Yan ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte para kay U.S President Barrack Obama.

Aminado ang pangulo na napikon siya sa isinusulat ng ilang mga kolumnista na ayon sa kanya ay nagmamagaling sa isyu ng extra judicial killings.

Sinabi ni Duterte na hindi niya gusto ang kanyang mga nabasa na nagsasabing lalambot ang kanyang posisyon sa isyu ng karahasan laban sa mga sangkot sa droga kapag nagharap na sila ni Obama.

“Masyado kayong bilib sa mga Amerikano, mas maniwala kayo sa atin, sila ang dapat magpaliwanag sa dami ng mga inaapi at pinapatay sa kanila”, ayon sa pangulo.

obama

Sinabi rin ni Duterte na wala rin namang nagawa ang U.S nang makialam sila sa drug trafficking na hanggang ngayon ay nagaganap sa border ng U.S at Mexico.

Kanya ring sinabi na wala siyang kinatatakutan kahit na sinong lider dahil siya’y pinuno ng isang bansa na hindi dapat pakialaman ninuman.

Sa kanyang departure speech bago tumulak papuntang Laos para sa dalawang araw na Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit, sinabi ni Duterte na hindi niya kailangang magpaliwanag kahit na kanino sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs.

kp

share it with everyone
Share on Facebook47Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...