Pilipinas at US Military alliance nananatiling Matatag

share it with everyone
Share on Facebook11Tweet about this on Twitter

Sa kabila ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatapusin na ang joint military exercises sa pagitan ng mga sundalo ng Amerika at Pilipinas, para sa Estados Unidos ay nananatiling matatag ang relasyon ng dalawang bansa kung ang pag-uusapan ay ang military alliance.

Ayon kay US Defense Secretary Ashton Carter, apat na dekada na ang alyansa ng US at Pilipinas at sa ngayon hindi ito natitinag.

Sa kaniyang pahayag sa mga tauhan ng USS Carl Vinson aircraft carrier sa San Diego, California, inilarawan ni Carter bilang “ironclad” ang relasyon ng dalawang bansa.

matatag

Noong Miyerkules, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatapusin na ang military exercises ng Pilipinas at US.

Ani Duterte ang military drills ng mga sundalo ng dalawang bansa sa susunod na buwan, ay hindi na masusundan.

Tiniyak naman ni Carter na patuloy ang magiging suporta ng US sa modernization projects ng Pilipinas para sa Armed Forces nito sa ilalim ng mga nakasaad sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

share it with everyone
Share on Facebook11Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...