Pitong milyong pisong halaga ng ecstacy, nasabat ng BOC at PDEA

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Aabot sa halos pitong milyong pisong halaga ng ecstasy na galing ng Netherlands ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency sa Manila Central Post Office.

Ayon kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon, aabot sa halos limang libong piso ng ecstasy ang kanilang nasamsam.

Sa ngayon nasa 1,500 pesos ang street value ng bawat tableta ng ecstasy.

ecstacy

Bukod sa ecstasy, nakumpiska rin ng BOC at PDEA ang ilang kilo ng amphetamine.

Nakalagay ang ilegal na droga sa limang parcel o limang maliliit na kahon ng mga laruan.

Naka-consign ang tatlong parcel sa isang Don Arnold habang naka-consign naman ang dalawang parcel sa isang Martin Domingo.

Nabatid na pawang nagmula sa Netherlands ang mga ilegal na droga.

Ayon pa kay Faeldon, inoorder ang ilegal na droga sa pamamagitan ng online at gumagamit ng mga pekeng pangalan.

Nagkakaroon ng bayaran sa pamamgitan ng bitcoins payment at ipinadadala ang kargamento gamit ang Philpost.

Matatandaan na noong August 22 lamang, aabot sa dalawang libong tableta ng ecstasy ang nakumpiska sa Central Mail Exchange Center at 2.8 kilo naman ng cocaine ang nasabat sa Clark International Airport noong August 28.

kp

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...