PNP Naga Sineseryoso ang bantang panggugulo ng ASG

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Binubusising mabuti ng Philippine National Police sa Naga ang umano ay banta ng panggugulo ng Abu Sayyaf Group sa lungsod batay sa post ng netizen sa kaniyang Facebook account.

Sineseryoso at tinatratong totoo ng Naga PNP ang umano’y banta ng teroristang grupong ASG sa Naga City na nakasaad sa facebook post, na viral na ngayon dahil sa dami ng nag-share.

ASG

Ayon kay Naga City Police spokesperson SPO2 Tobias Bongon, nagulat umano sila sa impormasyon na na-ipost at naging viral sa facebook pero hindi sila nagpapaka-kampante.

Ani Bongon, sa kanilang pag-iimbestiga, totoo umano na anak ng Chief of Police ng Caramoan na nakilalang si Insp. Joselito Bermas ang nagpost ng babala sa facebook na si Jessa Aure Bermas.

Pero paliwanag ni Bongon, sa pinakahuling update umano sa FB account ni Jessa Aure Bermas, humihingi ito ng patawad at pinasinungalingan ang naunang post ng banta ng ASG.

Sa naunang post, sinabi ni Jessa Aure Bermas na ayon sa kaniyang ama na hepe ng pulisya sa Caramoan, nakapasok na ang ASG sa Naga kaya inaabisuhan at pinag-iingat niya ang lahat.

Sa ngayon wala pa naman umanong namamataan na ASG sa lugar.

Gayunman, mahigpit ang pagbabantay ng PNP lalo na at malapit na ang Peñafrancia festival.

kp

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...