President Rodrigo Duterte to PNP Anti-drug Campaign ‘SUCCESS’

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Maituturing umano na matagumpay ang operasyon ng ating kapulisan sa Philippine National Police sa kanilang laban sa iligal na droga sa ating bansa.

Sa pinakahuling statement na inilabas mismo mula sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ni Presidential Communication Sec. Matrin Andanar, sinabi ng pangulo na bagamat malayo pa sa perpekto ang kanilang ginagawang pagtugis sa mga drug suspects sa ating bansa, masasabi naman umanong nagsisimula na ang sinasabing tatlo hanggang anim na buwang pangakong paglinis sa iligal na droga.

PNP

Inilabas ang pahayag matapos makapagtala ang PNP ng 192 drug suspect na napatay sa operasyon mula noong Mayo 10 hanggang Hulyo 10.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng palasyo na walang nalalabag na karapatang pantao sa isinasagawang operasyon ng PNP.

kp

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...