Presyo ng Droga Nagmahal nang TODO!

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Sinabi ni Sen. Ralph Recto na ramdam na ang epekto ng anti-drug campaign ng gobyerno. Patunay umano dito ang mataas na presyo ng shabu at ilang party drugs.

Bukod sa mataas na presyo ay pahirapan na rin daw ang pagbili ng mga droga ayon kay Recto. Pero kasabay naman nito ang pagdami ng mga nabibiktima ng extra judicial killings sa bansa.

Sa kanyang pagtatanong kay Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa kung nababagalan ba sila sa takbo ng hustisya sa bansa ay sinabi ng police official na totoong may mga kasong natetengga sa mga hukuman.

todo

Sa kanyang follow-up question ay tinanong ni Recto kung sumagi ba sa kaisipan ng mga pulis na patayin na lamang ang ilang mga kriminal para mas mapadali ang pagbibigay ng hustisya sa mga biktima ng krimen.

Sagot ni dela Rosa, totoong sumasagi ito sa kanilang isipan dahil sa ilang mga kadahilanan pero kanyang nilinaw na hindi ito ang kalakaran sa loob ng PNP.

Binanggit din ng Chief PNP na hindi naman mapapatay ang isang kriminal kung sumuko lamang ang mga ito at hindi nanlaban sa mga pulis.

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...