Prima Facie Evidence Nakitaan sa Dalawa sa Tatlong Narco Generals

share it with everyone
Share on Facebook279Tweet about this on Twitter

Kinumpirma ngayon ni Interior and Local Government Secretary Mike Sueno na nakitaan ng prima facie evidence ng probe team ng DILG ang dalawa sa tatlong active police generals na iniimbestigahan dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal drugs.

Ang nasabing tatlong active police generals na sangkot sa illegal drugs ay sina Police Director Joel Pagdilao, C/Supt. Edgardo Tinino at C/Supt. Bernardo Diaz.

prima face

Ayon pa kay Sueno may mga ebidensiya na silang nakuha mula sa dalawang heneral pero sa isa pang heneral nagpapatuloy pa ang pag kuha nila ng ebidensiya dahil sa labas ito ng Metro Manila.

Binigyan ng 10 araw ang mga imbestigador para makakuha na ng sapat na ebidensiya sa nasabing isa pang heneral.

Sinabi naman ni Sueno na dahil may prima facie evidence na sa dalawang heneral ay pwede ng sampahan ng kaso ang ito sa korte.

Sa panig naman ni retired General Marcelo Garbo, korte na ang bahala habang ang kaso ni Daanbantayan Mayor Vicente Loot ay DILG na ang may hurisdiksiyon.

“Ang tatlong generals na still on duty ready na kami sa dalawa, kasi dalawa kasi nandito sa NCR na so nakakuha na tayo ng mga ebidensya pero doon sa isa dahil outside of Metro Manila. So ang latest na sumbong sa akin they are now gathering and definitely we will come up evidences against itong isang heneral,” wika ni Sueno.

kp

share it with everyone
Share on Facebook279Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...