Programang kontra iligal na droga Ipaglalaban ng Pangulo at di takot sa Impeachment

share it with everyone
Share on Facebook1.3kTweet about this on Twitter

Hindi ngayon natatakot si Pangulong Rodrigo Duterte na ma-impeach dahil lamang sa kanyang ipinatupad na laban o All-Out-War kontra iligal na Droga sa ating bansa.

Ayon pa sa ating Pangulo, handa niyang itaya ang kanyang posisyon sa bansa, dangal at pati buhay kung ang kukwestiyunin ay ang pinaigting nitong kampanya laban sa mga illegal drug trade sa kanyang nasasakopan.

impeachment

Binigyang-diin pa ng Pangulo na wala siyang ilusyon dahil sa una pa lang ay ayaw na niyang tumakbo sa pagka-Pangulo at yan ay hayagan niyan sinabi noon, subalit nagsalita na ang taumbayan sa ating bansa kaya haharapin niya ang malaking responsibilidad na iniatang sa kanya.

Ang tanging hiling lamang ng Pangulo sa ating kababayan ay tulungan siya para matapos na ang problema na sumisira sa mamamayan at sa ating bansa.

Matatandaan ngayong may ilang grupo na kontra sa sunud-sunod na pagkamatay ng mga hinihinalang sangkot sa iligal na droga dahil labag umano sa batas ang extra-judicial killings na nangyayari ngayon.

kp

share it with everyone
Share on Facebook1.3kTweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...