Religious Activities sa bilibid Bawal Muna

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Ipinatigil ngayon ng Department of Justice (ang iba’t ibang uri ng religous activities na magaganap sa loob ng New Bilibid Prisons o NBP.

Ito ay ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, ito ay matapos makarating sa kanya ang huling impormasyon mula sa ilang NGOs at mismong guwardiya ng New Bilibid Prison na ginagamit din umano ang mga religious groups sa pagdadala ng sangkap at gamit sa paggawa ng ilegal na shabu sa loob mismo ng kulungan.

religious

Mayroon aniyang isinasagawang hiwalay na imbestigasyon ngayon dito para alamin ang lawak ng koneksyon ng mga drug lords sa loob ng NBP.

Ayon kay Aguirre, mayroong isang malaking religious organization ang nagnanais na magsagawa ng thanksgiving sa loob ng bilibid ang hindi pinayagan upang hindi makaapekto sa operasyon ng Special Action Force o SAF.

Samantala, pinabulaanan naman ngayon ng kalihim ang huling report na nanggaling mismo sa Chaplain ng Bilibid na nagkaroon ng pagsabog sa loob ng NBP nang magsagawa ng oplan galugad ang mga tauhan ng SAF.

kp

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...