Ronie Dayan, kunektado din sa napatay na drug lord na si Alyas Jaguar

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Kinumpirma ng isang dating pulis at ngayon ay inmate sa New Bilibid Prisons na nakipagtransaksyon din si Ronie Dayan sa nasawing drug lord na si Jeffrey Diaz Alyas Jaguar.

Sa kaniyang testimonya sa pagdinig sa kamara, sinabi ni dating PO3 Engelberto Durano na nagpakilalang miyembro ng Barang Cebu Brotherhood, siya mismo ang nag-introduce kina Dayan at Jaguar sa isa’t isa.

Noong nakilala umano kasi niya si Dayan, palagi itong dumadaing sa kaniya tungkol sa problema sa pera.

Nang tawagan umano siya minsan ni Dayan para humingi ng tulong upang makalikom ng pondo para sa pangangampanya ni Senator Leila De Lima noong 2016 elections, ay agad na naisip ni Durano na ipakilala si Jaguar kay Dayan.

Ani Durano, nakilala niya si Jaguar at ang tinaguriang drug lord din sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa sa Reception Diagnostic Center (RDC) noong Ocotber 2009.

drug lord

“Sinabi ko agad sa kaniya na mayroon akong kaibigang nakalaya na sa pagkakakulong at mayroong siyang malaking “negosyo” ng pagbebenta ng shabi sa Cebu. Tinutukoy ko noon ay si JEFFREY DIAZ alyas “JAGUAR”. Dahil dito, sinabi sa akin ni RONNIE na siya ay lubos na interesado na makausap si JAGUAR,” ayon sa salaysay ni Durano.

Doon na aniyang nagsimula ang transaksyon sa pagitan nina Jaguar at Dayan. Kwento ni Durano, February 2014 naganap ang unang transaksyon sa pagitan ng dalawa.

Sa pagkakaalam ni Durano, umabot sa P27,300,000 ang halaga ng drug transaction na namagitan kina Dayan at Jaguar at ang pera ay dumaan sa tatlong bank accounts sa Banco De Oro (BDO).

Nakasaad din sa salaysay ni Durano na sa pagitan ng November at December 2014, nagpa-produce sa kaniyang P1.5 million si Jaguar.

Ang nasabing pera na inilagay niya sa isang kahon ay inabot mismo ni Durano kay De Lima na noon ay nasa loob ng opisina ng BTV3 kasama si Jaybee Sebastian.

Pagkaabot ng pera, sinabi ni Durano na agad na siyang umalis.

Pero habang papalayo, nakita umano niya si De Lima na lumakad nang “parang nagmo-model”, humawak sa poste at kaniyang scarf at saka nagsalita ng “OK Ba Jaybee?”.

Si Alyas Jaguar ay napatay noong June 2016 sa Las Piñas City sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Central Visayas Regional Intelligence Division (RID), Regional Special Operations Group (RSOG), at Las Piñas police.

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...