Sabay Sumalang sa lie-detector test, ito ang Hamon ni Duterte kay de Lima

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Muling inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya takot humarap sa kahit na anong uri ng imbestigasyon na gustong gawin ng iba’t ibang mga grupo.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga bagong opisyal ng Malacañang Press Corps, sinabi ng pangulo na bukas siya kahit na mismong si U.S President Barrack Obama ang manguna sa imbestigasyon.

Muli rin niyang hinamon ang European Union na patunayan ang kanyang pagkakasangkot sa mga kaso ng extra judicial killing sa bansa.

Pati ang United Nations Special Rapporteur ay hindi nakalusot sa matalim na pananalita ng pangulo.

Hinamin niya ang U.N sa isang debate kaugnay sa ginagawa ng kanyang pamahalaan sa pakikibaka kontra sa iligal na droga.

hinamon

Hinamon din niya ang mga mamamahayag na alamin ng husto ang kanyang pinanggagalingan sa kanyang inilunsad na giyera kontra droga bago maglabas ng mga negatibong pahayag sa mga balita.

Sa puntong ito ayon sa pangulo ay hindi na ang mga mura na nilalaman ng kanyang mga pananalita ang mahalaga kundi ang dapat na pagtutok ng sambayanan sa anti-drug campaign ng pamahalaan.

Kasabay nito ay hinamon niya si Sen. Leila de Lima na sumailalim sila sa lie detector test para magkaalaman na kung sino sa kanilang ang nagsisinungaling.

Muli ring sinabi ng pangulo na hindi dapat paniwalaan ang mga sinabi ni Edgar Matobato sa Senado dahil nagsisinungaling ito.

Ipinaliwanag ng pangulo na hindi nila naging tauhan si Matobato kahit kailan.

Sinabi ni Duterte na hindi nag-aral sa Ateneo de Davao ang kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte tulad ng sinabi ni Matobato.

Sa San Beda umano ito nag-aral at wala rin itong bodyguard noong siya’y wala pa sa pamahalaan.

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...