Salute Para sa Ating Mahal na Pangulo

share it with everyone
Share on Facebook818Tweet about this on Twitter

Maraming maraming salamat poh….mr President!!!

Inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) spokesman Chief Supt. Wilben Mayor na malaking bagay at tulong para sa mga pulis ang balaking itaas sa P50,000 kada buwan ang sahod sa ilalim ng papasok na administrasyong Duterte.

“Ngayon pa lamang ay tiyak nang marami na ang nagpapasalamat sa hanay ng pulisya sa nasabing hakbangin, pabor ang mga pulis sa planong iyan ni President-elect Rodrigo Duterte,” wika ni Mayor.

Salute para sa ating pangulo!

salute

Idinagdag ni Mayor na bagama’t mahigpit ang PNP laban sa mga tiwaling kasapi, lalong masisiguro ngayon na wala nang pulis na masasangkot sa iregularidad at maging sa illegal activities kapag natupad ang sinasabing mataas na sweldo.

“Kapag nangyari ‘yan, tiyak na mas lalo pang la­lakas ang puwersa ng PNP, mas lalo pang magiging epektibo at lala­kas ang serbisyo publiko ng mga pulis dahil alam nilang ‘well compensated’ sila na mula sa taumbayan kaya dapat nilang tumbasan nang sapat,” pahayag pa ni Mayor.

Una nang ibinunyag ni Sen. Alan Peter Cayetano na pinag-aaralan ng papasok na Duterte administration ang panukalang taasan ang sahod ng mga pulis at gawing P50,000.

kp

share it with everyone
Share on Facebook818Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...