Sekkingstad nasa Davao City Na

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Dumating na sa Davao City ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad, ang bihag na pinalaya ng Abu Sayyaf Group.
Inaasahang makakaharap at makakausap niya si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang of the South sa Panacan, sa nasabing siyudad.

Isang chopper ni Pastor Apollo Quiboloy ang nagsakay kay Sekkingstad patungo sa Davao City.

sekkingstad

Kasama ni Sekkingstad si Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na dumating sa Seagull Beach Resort in Punta Dumalag, Matina.

Ang Norwegian national, na dinukot noong September 21, 2015 sa Samal Island kasama ang dalawang Canadians, ay maswerteng nabuhay at napalaya.

Sina John Ridsdel at Robert Hall ay kapwa pinugutan ng ulo ng ASG dahil bigo umano na tumupad sa hinihinging ransom.

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...