Sen. Allan Cayetano Binatikos ng NUJP

share it with everyone
Share on Facebook477Tweet about this on Twitter

Binatikos ng National Union of the Journalists of the Philippines (NUJP) si Senador Alan Peter Cayetano dahil sa pahayag nito laban sa mga ulat ng media tungkol sa serye ng mga pagpatay.

Una nang kinastigo ni Cayetano ang ilang media organization dahil pinalalaki lamang umano ng mga ito ang isyu ng extrajudicial killings sa gitna ng kampanya ng Administrasyon Duterte kontra iligal na droga.

cayetano

Aniya, mas ipinagdidiinan ng media ang bilang ng mga napapatay at agad na ipinagpapalagay na insidente ng extrajudicial killings ngunit hindi man lamang binibigyang pansin ang magandang epekto ng anti-drug campaign ng pamahalaan.

Sinabi ni NUJP chairman Ryan Rosauro na mismong si PNP Chief director general Ronald Dela Rosa ang nagkumpirma sa bilang ng mga napatay na drug suspect na una nang naibalita.

Wala rin aniyang basehan si Cayetano sa tinuran nitong binabayaran ang media ng perang galing sa droga upang pasinungalingan ang Administrasyong Duterte.

share it with everyone
Share on Facebook477Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...