Sen. Cayetano at Trillanes nagkainitan ulit

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Muli na namang nagkainitan sina Sen. Antonio Trillanes at Alan Peter Cayetano.

Katatapos lamang ng privilege speech ni Trillanes kung saan ay kanyang ipinagtanggol si Edgar Matobato bilang isang credible witness sa Senate investigation sa mga kaso ng extra judicial killings sa bansa.

Bago natapos ang kanyang talumpati ay nag-move si Trillanes na imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga kaso ng pagpatay na kinasasangkutan ng Davao Death Squad na umano’y nagsimula noong alkalde pa lamang ng Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte.

cayetano

Kaagad na nag-interpellate si Cayetano hanggang sa humantong sa debate ang talakayan sa plenaryo.

Sinabi ni Trillanes habang nagsasalita si Cayetano ang mga katagang “baka gusto mong lapitan na naman kita?”

Kaagad namang sumagot si Cayetano, “hindi ko na sana ito sasabihin noong patayan mo ako ng mikropono pero hindi ko gusto ang mga sinabi mo na nagbabasa ka pa naman ng bibliya pero makasalanan ang ipinagtatanggol mo”.

Dagdag pa ni Cayetano, “kung lalapit ka sa akin para yakapin ako…yayakapin din kita, pero kung iba ang pakay mo ay hindi kita uurungan”.

Sa puntong ito ay kaagad na sinuspinde ni Senate President Koko Pimentel ang sesyon.

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...