Sen. De Lima “Hindi ako magre-resign’

share it with everyone
Share on Facebook933Tweet about this on Twitter

Wala ngayong balak si Senador Leila De Lima na magbitiw sa kanyang kasalukuyang puwesto bilang senador. Ito ay sa kabila ng mga bagong banat at panlalait sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag pa ni De Lima, sumagi na rin sa kanyang isipan ang magbitiw na lamang sa tungkulin nang una siyang idawit ni Pangulong Duterte sa iligal na droga, bagay na mariin itinatanggi ng senadora.

Resign

Gayunman, nagdesisyon siyang mananatili sa kanyang puwesto dahil kung magre-resign siya aniya ay mistula na niyang inamin na siya ay mahina at ‘guilty’ sa mga akusasyon.

“Resignation at this point will be an admission of guilt and a sign of weakness. And I’m neither weak nor guilty,” giit ni De Lima.

Tumanggi na rin si De Lima na sagutin pa ang mga alegasyon laban sa kanya dahil wala naman aniyang katotohanan ang mga bintang.

Matatandaang sa pinakahuling banat ng pangulo sa panayam ng media sa Tacloban City, pinagbibitiw na nito sa De Lima at sinabihan pang mag-bigti na lamang.

kp

share it with everyone
Share on Facebook933Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...