Simpleng Seremonya Sa Duterte Inauguration

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Asahan na ng publiko ang pinakasimpleng seremoniya sa padating na inagurasyon o panunumpa sa puwesto ni incoming President Rodrigo Duterte

Ito ang inihayag ni Incoming Presidential Communications Secretary Martin Andanar bilang pagtupad ni Duterte sa kaniyang ipinangako nuong kampaniya

duterte

Gagawin ang panunumpa sa Rizal Hall ng Malacañang sa halip na sa Quirino Grandstand na siyang tradisyunal na pinagdarausan ng mga inagurasyon ng mga nakalipas na Pangulo ng bansa

Kasunod nito, hiniling ni Andanar sa mga dadalo sa inagurasyon na magsuot ng Filipiñana na may simpleng disenyo lamang

Maliban sa kasuotan, Tatak Pinoy din ang mga bibidang pagkain na ihahain sa inagurasyon tulad ng suman, pritong sagong, biko at bibingka habang tsokolate davao at juice naman ang siyang ihahain bilang panulak o inumin.

kp

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...