Takot Mamatay kaya Sumuko si Mayor Espinosa

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Aminado ngayon si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. na sangkot sa illegal drug trade ang kanyang anak na si Kerwin na hanggang ngayon ay hinahanap pa ng mga otoridad.

Ang mag-amang Espinosa ay binigyan ng 24-oras na taning ni Pangulong Rodrigo Duterte para sumuko.

Kaninang umaga ay nagkita sina Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa at Espinosa bago siya iniharap sa media ngayong hapon.

takot

Inamin ni Espinosa na si Kerwin ay sangkot sa grupo ng drug lord na si Peter Co.

Aminado rin ang local official na takot siyang mamatay kaya siya sumuko sa PNP makaraang mabalitaan ang taning na ibinigay ni Duterte.

“Natakot ako sa shoot-on-sight order ng pangulo kaya ako sumuko…takot akong mamatay”, paliwanag ni Espinosa.

Sinabi rin ng alkalde ng Albuera, Leyte na bahala na ang PNP sa kanyang anak na si Kerwin.

Kanya ring nilinaw na hindi galing sa droga ang ginamit niyang pera sa halalan kundi sa tulong ng kanyang mga kaanak na nasa ibang bansa.

Muli namang binigyan ni Dela Rosa ang nakababatang Espinosa ng 24-oras para sumuko at kung hindi ay mapipilitan silang ipatupad ang “shoot-on-sight” order ng pangulo.

Binanggit din ng PNP Chief na galing sa loob ng Abuyog Penal Colony ang drogang ibinebenta ni Kerwin.

Sa pulong balitaan ay ibinunyag din ni Dela Rosa na nasa ilang lugar ngayon sa Lanao del Sur ang ilang mga suspected drug lords at sila’y itinatago ng isang malaking armadong grupo.

kp

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...