Umabot Halos 6,000 drug Suspects Naaresto ng SPD

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Nanguna ngayon ang Muntinlupa City sa may pinakamaraming nagtutulak at gumagamit ng iligal na droga na sumuko sa mga awtoridad sa ating bansa.

Ito ay batay sa inilabas na datos ng Southern Police District o SPD mula Hulyo 01 hanggang Hulyo 18 ng taong kasalukuyan.

naaresto

Pumangalawa naman ang lungsod ng Pasay habang sinundan ito ng mga lungsod ng Taguig, Makati at Parañaque.

Ang Las Piñas naman ay nasa pang anim habang panghuli ang Pateros sa mga lugar na maraming drug surenderees.

Sa kabuuan, aabot na sa mahigit 4,000 bahay ang kinatok ng pulisya kung saan, nasa mahigit sa 5,000 mga sumukong gumagamit habang halos 600 naman ang umaming nagtutulak ng iligal na droga.

Aabot naman sa halos 6,000 ang naaresto ng SPD mula sa mga nabanggit na lungsod.

kp

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...