Unilateral ceasefire sa CPP-NPA binawi, Sison Nagsalita Na

share it with everyone
Share on Facebook149Tweet about this on Twitter

Alas-siyete ngayong gabi binawi ng  Pangulong Rodrigo Duterte ang idineklarang unilateral ceasefire para sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army  o kilala bilang CPP-NPA.

Ito’y makaraang lumampas na ang kanyang ibinigay na deadline na  alas-singko ng hapon ngayon araw para magpaliwanag ang rebeldeng grupo kung bakit nila tinambangan ang convoy ng CAFGU at mga tauhan ng militar sa bayan ng Kapalong sa Davao del Norte.

Kasabay nito, inatasan na ni Duterte ang buong pwersa ng Armed Forces of the Philippines na maging alerto kasabay ng pagsasa-ilalim sa kanila sa high alert status.

Sinabi ni Duterte na magpapatuloy na ang opensiba ng pwersa ng pamahalaan laban sa CPP-NPA.

Makaraan July 27 ambush ay naglabas ng pahayag ang CPP-NPA Southern Mindanao na sinisi nila ang mga tauhan ng militar na umano’y nagsagawa ng operasyon sa nasasakupan nilang lugar.

Hindi naman kinagat ng ating pangulo ang paliwanag kaya muling siyang nagbigay ng taning hanggang alas-singko ng hapon ngayong araw ng sabado pero hindi na nagbigay ng paliwanag pa ang komunistang grupo.

sison

Samantala, pagkatapos mag bigay ng utos ang pangulo, nagsalita naman si Sison, na Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison na “Kailanman ay hindi pwedeng utusan ni Duterte ang rebolusyunaryong grupo na sumunod sa kanyang gusto”.

Sinabi ni Sison na nakatakda na sanang maglabas ng kautusan ang pamunuan ng CPP-NPA alas-otso ngayong gabi na nagsasabing magdedeklara rin sila ng ceasefire order para sa kanilang mga tauhan.

Dagdag pa ni Sison, “masyadong butangero si Duterte at gusto niya ay gulo agad….kung ayaw niya ng katahimikan eh di huwag…”

Tinawag din ni Sison na isang “bully” si Duterte at hindi umano ito uubra sa kilusang rebolusyonaryo.

Ipina-uubaya naman ni Sison sa mga lider ng CPP-NPA dito sa Pilipinas kung itutuloy pa ang pakikipag-usap sa pamahalaang Duterte o hindi.

Kaninang alas-singko ng hapon ay natapos ang deadline na ibinigay ni Duterte sa CPP-NPA para sa kanilang paliwanag sa ginawang pag-ambush sa mga tauhan ng CAFGU at militar sa Daval del Norte.

kp

share it with everyone
Share on Facebook149Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...