Update : Senator De-lima Sinibak na

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Breaking News – De Lima, sinibak na sa Justice Committee ng Senado. Ipinalit si Sen. Dick Gordon bilang bagong chairman ng naturang komite.

Hiniling ni Senator Manny Pacquiao na ideklarang bakante ang Chairmanship at Membeships ng Senate Committee on Justice and Human Rights.

sinibak

Nag-mosyon si Pacquiao sa plenary session matapos akusahan ni Senator Alan Peter Cayetano si Senator Leila De Lima sa kanyang privilege speech ng pagiging biased ng Senadora laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kapwa kaalyado ng Pangulo sina Pacquiao at Cayetano habang si De Lima ang pinuno ng komite na nag-iimbestiga sa umanoy extra judicial killings at summary executions sa gitna ng kampanya ni Duterte laban sa droga.

Pero agad na hinarang ni Senate President Pro Tempore Franklin Drilon ang mosyon ni Pacquiao.

Ayon kay Drilon, hindi pwede ang mosyon ni Pacquiao sa ilalim ng Senate rules. “You cannot declare as vacant the Chairmanship of a Committee,” ayon kay Drilon.

Kasunod nito ay pansamantalang sinuspinde ang sesyon at tinalakay ang mosyon ni Pacquiao sa isang caucus.
Tags: manny pacquiao, Pangulong Rodrigo Duterte, Senate Committee on Justice and Human Rights, Senator Alan Peter Cayetano, Senator Leila De Lima.

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...