Update:Suspected drug lord Kerwin Espinosa, naaresto na sa Abu Dhabi

share it with everyone
Share on Facebook73Tweet about this on Twitter

(UPDATE): Naaresto sa United Arab Emirates (UAE) ang itinuturong drug lord na si Kerwin Espinosa. Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald Dela Rosa, sa Abu Dhabi nadakip si Espinosa na anak ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Ang kumpirmasyon ay inihayag ni Dela Rosa sa isinagawang flag-raising ceremony sa PNP ngayong Lunes ng umaga.

Ani Dela Rosa, alas dos ng madaling ng Lnes nadakip si Kerwin at sa ngayon, inaayos na ang mga dokumento at proseso ng pagbalik niya sa bansa.

Natunton si Espinosa sa pakikipagtulungan ng PNP-Anti Illegal Drugs Group sa Interpol.

Espinosa

Si Espinosa ay mayroong standing warrant of arrest dahil sa kasong illegal possession of firearms at illegal drugs sa Albuera Leyte matapos na halughugin ang kanilang tahanan.

Nasa kostodiya ngayon ng Abu Dhabi Police si Espinosa at inaasikaso na nina Sr. Supt. Albert Ferro ng PNP-AIDG ang paglipad patungo sa Abu Dhabi para maibalik na dito sa bansa sa lalong madaling panahon si Espinosa.

share it with everyone
Share on Facebook73Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...